Santo Nino del Perpetuo Socorro
Ang imaheng ito ng Batang Hesus ay nagpapahiwatig ng matinding pagtitiwala Niya sa Kanyang Inang si Maria. Ang imahen ng Ina ng Laging Saklolo, kasama ang Batang Hesus ay isang kuwento na nagpasalinsalin matagal ng panahon ang lumipas. Ito ay sanaysay ng pagkatakot ni Kristo nang magkaroon Siya ng pangitain tungkol sa mga paghihirap na Kanyang mararanasan sa hinaharap. Siya, bilang bata, ay tumakbo papunta sa Kanyang ina, at sa Kanyang pagtakbo, nalaglag ang Kanyang sapin. Bilang isang Ina, niyakap ni Maria ang Batang Hesus, at ipinaramdam ang labis niyang pagmamahal sa Kanya. Bilang mga anak ng Diyos at tagasunod ni Kristo, marapat lamang na talikdan natin ang kasalanan at lalo pa nating mahalin si Kristo.