Hesus ng Pagkabuhay 2.88

5 star(s) from 1 votes
San Rafael, 3008
Philippines

About Hesus ng Pagkabuhay

Hesus ng Pagkabuhay Hesus ng Pagkabuhay is a well known place listed as Church/religious Organization in San Rafael , Catholic Church in San Rafael ,

Contact Details & Working Hours

Details

Itinuturing na pagtatagumpay ni Hesus at ng Diyos ang muling pagkabuhay ni Kristo matapos siyang ipako at mamatay sa krus. Nang pumanaw, hiningi ni Jose na taga-Arimatea kay Poncio Pilato ang bangkay ni Hesus at kanyang ipinalibing. Matapos ang tatlong araw, nagtungo sa libingan sina Maria Magdalena at isa pang Maria at nakitang wala roon ang bangkay ni Hesus.

[baguhin]Ebanghelyo ni San Juan
Madilim-dilim pa nang unang araw ng sanlinggo, pumunta si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong nakatakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan siya dinala!
Sina Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro'y naunahan noong isa. Yumuko ito at sumilip sa loob ng libingan ngunit hindi pumasok. Nakita niyang nakalagay doon ang mga mamahaling tela. Nang dumating si Simon Pedro, tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan at nakita nito ang mga telang lino, at ang panyong ibinalot sa ulo ni Hesus. Ang panyo ay hindi kasama ng mga mamahaling tela, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating at nakita niya ito, at siya'y naniwala. Hindi pa nila nauunawaan noon na si Hesus ay kailangang muling mabuhay ayon sa kasulatan. At umuwi ang mga alagad.
Si Maria ay nakatayong umiiyak sa labas ng libingan. Nang yumuko siya at sumilip sa loob, may nakita siyang dalawang anghel na nakadamit ng puti at nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Hesus, ang isa'y sa gawing ulunan at ang isa nama'y sa paanan. Tinanong nila si Maria, Babae, bakit ka umiiyak?
Sumagot siya, May kumuha po sa aking Panginoon at hindi ko alam kung saan siya dinala.
Pagkasabi nito'y napalingon siya at nakita niya si Jesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon.
Tinanong siya ni Hesus, Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?
Akala ni Maria, ang kausap niya'y ang hardinero kaya't sinabi niya, Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, pakituro nga po ninyo sa akin kung saan ninyo siya dinala at kukunin ko.
Maria! sabi ni Hesus.
Humarap siya at kanyang sinabi sa wikang Hebreo, Raboni! na ang ibig sabihi'y Guro.
Sabi ni Hesus, Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.
Kaya't si Maria Magdalena ay pumunta sa mga alagad at sinabi sa kanila, Nakita ko ang Panginoon! At sinabi rin niya sa kanila ang bilin ni Hesus.
(Juan 20:1-18)