Memphis, Ehipto 1.86

About Memphis, Ehipto

Memphis, Ehipto Memphis, Ehipto is a well known place listed as Historical Place in -NA- ,

Contact Details & Working Hours

Details

Ang Memphis ay ang sinaunang kabisera ng Aneb-Hetch, ang unang nome ng Pang-ibabang Ehipto. Ang mga guho nito ay nasa malapit sa bayan ng Mit Rahina, sa timog ng Cairo.
Ayon sa alamat na isinalaysay ni Manetho, ang lungsod ay itinatag ng paraon na si Menes noong humigit-kumulang sa 3000 BK. Bilang kabisera ng Ehipto noong panahon ng Matandang Kaharian, nanatili ito bilang isang mahalagang lungsod sa kahabaan ng sinaunang kasaysayan ng Mediteraneo. Inokupahan nito ang isang maestratehiyang posisyon sa bibig ng delta ng Nilo, at naging tirahan ng maalab na mga gawain. Ang pangunahing puwerto nitong Peru-nefer, na kumanlong sa isang malaking dami ng mga pagawaan, mga pabrika, at mga bodega na nagpapamudmod ng mga pagkain at mga kalakal sa kahabaan ng sinaunang kaharian. Noong ginintuang panahon nito, ang Memphis ay lumago bilang ilang sentrong pangrehiiyon para sa komersiyo, pangangalakal, at relihiyon.
Pinaniniwalaan na ang Memphis ay nasa ilalim ng proteksiyon ng diyos na si Ptah, ang patron ng mga manggagawang may kasanayan. Ang dakilang templo nitong Hut-ka-Ptah, ay isa sa pinaka lantad na mga kayarian na nasa loob ng lungsod.