Santa Teresita Chapel - Brgy. Pinagtipunan 3.42

Purok II, Barangay Pinagtipunan
General Trias, 4107
Philippines

About Santa Teresita Chapel - Brgy. Pinagtipunan

Santa Teresita Chapel - Brgy. Pinagtipunan Santa Teresita Chapel - Brgy. Pinagtipunan is a well known place listed as Community Organization in General Trias ,

Contact Details & Working Hours

Details

Ang Capilia ni Sta. Teresita ay ang nag-iisang Kapilya sa Bayan ng General Trias sa Lalawigan ng Cavite na inialay upang maging Tahanan ng Banal, Orihinal, Matanda at Mapaghimalang Imahe ni Santa Teresita del Niño Jesus.

Ang humigit kumulang 400 metro cuadradong lupa ng Capilia ay donasyon mula kay Doña Martina Sarayba Vda de Ferrer. Kasalukuyang katabi ng Kapilya ang Balikatan Plaza ng Barangay Pinagtipunan.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting naipasa-ayos ang istruktura ng Kapilya dahil sa pagkaka-isa ng mga Mamamayan at sa tulong ng Pamilya Ferrer.

Kinikilala ang Kapilya dahil sa natatangi nitong dedikasyon sa paghubog sa mga Kabataan sa pamamagitan ng Children Ministry. Ang Children Ministry ay pinasimulan noong dekada 70's kung saan ang mga kabataan ay tinuturuang magbasa ng Bibliya, Magdasal ng Rosaryo, mag-aral ng Katesismo at regular na dumalo sa Banal na Misa.

Sa kasalukuyan, regular na nagdaraos ng Banal na Misa (Anticipated Mass) tuwing araw ng Sabado, sa ganap na ika-4 ng hapon.