Mt. Paliparan 4.67

Brgy. Cuyambay
Tanay, 1980
Philippines

About Mt. Paliparan

Contact Details & Working Hours

Details

Ang Mt. Paliparan Summit ay isinusulong ng mga locals para maging bagong destinasyon ng mga mountaineers at adventurers. Makikita sa lugar ang mga naglalakihang rock formations at mga kweba. Sa tuktok o peak ay makikita ang buong Laguna Lake at Talim Island, ang mga bahagi ng kabundukan ng Sierra Madre at mga gusali sa Lungsod. Sa ibaba ng bundok ay makikita rin ang komunidad ng mga katutubong Dumagat at pagbaba galling sa tuktok ay ang mataas na Tung-tong Falls na pwedeng paliguan. Inaanyayahan ang mga mahihilig sa adventures ganun din ang mga nature lovers na pumasyal at mag-explore sa aming bagong tuklas na pasyalan na tiyak naming inyong kagigiliwan dahil ito ay angkop from beginner to extreme hikers!