Maluno Norte, Benito Soliven, Isabela 3.69

Maluno Norte
Benito Soliven, 3331
Philippines

About Maluno Norte, Benito Soliven, Isabela

Maluno Norte, Benito Soliven, Isabela Maluno Norte, Benito Soliven, Isabela is a well known place listed as Community & Government in Benito Soliven , Community/government in Benito Soliven ,

Contact Details & Working Hours

Details

Maluno Norte, ay isa sa mga 29 Barangays ng Benito Soliven, Isabela na matatagpuan sa pagitan ng Maluno Sur, Yeban Sur at Yeban Norte na mararating sa pamamagitan ng pagsakay ng bangkang de motor kung tawagin dito ay barangay (balangay).
Pangunahing hanap buhay ng mga tao dito ang pagsasaka, at pangingisda.
Ginagamit din dito ng mga ibat ibang lengwahe sa pakikipagalastasan gaya ng Ilocano, ibanag, at itaois.
Ipinagdiriwang dito ang kapistahan ng mahal na Patron ng Nuestra Senora del Carmen twing ika 14 – 16 ng Hulyo, na kung saan tinatampok ang mga pasayaw o paligsahan sa gabi ng mga kabataan sa bisperas ng feista at pagbibigay parangal sa mga nagwaging kandidata naman sa mismong gabi ng kapistahan. At isa sa inaabanagn din dito ang pagpapalipad ng malaking lobo na kasabay ng pag awit ng papuri at pagpupugay sa mahal na birhen na kung tawagin ay PROSA.
Isa din sa mga atraksyon o destinasyon dito lalo na sa panahon ng tag init ay ang Pinacanauan River na umaagos mula bundok ng Sierra Madre papuntang karagatan ng Cagayan. Na kung saan dito kadalasan dinaraos ang mga picnic at mga selebrasyon ng mga kaarawan o simpleng salu-salo ng mga pamilya o magbabarkada. Ginagamit din ang tubig sa ilog na ito sa paglalaba at pagpapatubig sa mga taniman o sakahan.
Sa kasalukuyan, ito ay mayroong kabuuang rehistradong botante na umaabot sa 693 ayon sa datos ng COMELEC noong May 9 2106 eleksyon.
(PAALALA. Ang mga nakasulat dito ay base lamang sa sariling kaalaman at pananaliksik ng may ari ng Page na ito. Kung meron po kayo nais idagdag, linawin o baguhin o itama, o meron po kayong nalalaman sa history ng barangay ay taos puso pong tinatanggap, MARAMING SALAMAT PO.)