Brgy.Villa Ibaba Atimonan,Quezon 3.72

Brgy.Villa Ibaba Atimonan,Quezon
Atimonan, 04331
Philippines

About Brgy.Villa Ibaba Atimonan,Quezon

Brgy.Villa Ibaba Atimonan,Quezon Brgy.Villa Ibaba Atimonan,Quezon is a well known place listed as Community Organization in Atimonan , Island in Atimonan ,

Contact Details & Working Hours

Details

KASAYSAYAN NG BARANGAY VILLA IBABA

Ang bayan ng Atimonan ay binubuo ng 38 barangay sa kasalukuyan, sa dakong
hilagang kanluran sa baybayin ng Lamon Bay, ay mayroong apat na nayon, isa sa mga ito
ang Villa Ilaya, na pinakaliblib sa lahat at mararating lamang sa pamamagitan ng bangka at
paglalakad. Ito ang kahulihulihang nayon ng Atimonan sa baybayin ng Lamon Bay at siyang
kanugnog naman ng nayon ng Sto. Niño ng bayan ng Mauban. Ang dakong timog ng Villa
Ilaya ay kabundukan ng Sierra Madre na kilalang-kilala ng kahit na sino.
Noong unang panahon ang pook na ito ay isa pang basal na kagubatan at dahil
dito napakahirap ng paninirahan dito. Nang dumating ang mga Kastila, marami sa mga tao
ay nilisan ang kabayanan upang takasan ang kalupitan ng mga dayuhan. Ang mga tao ay
nagkahiwahiwalay, may angkanang nagpunta sa timog silangan, mayroon sa kanluran at
ang iba naman ay hilagang kanluran.
Ang angkan ng mga VILLANUEVA ang siyang nagpunta sa hilagang kanluran na
siyang kauna-unahang nagbungkal ng lupa sa pook na iyon. Dahil sa kanilang kasipagan,
sila ang pinagpala ng Maykapal at biniyayaan ng masaganang ani, hindi lang ng palay,
ngunit gayun din sa iba pa nilang pananim. Dahil dito’y napabantog ang magandang
kapalaran ng angkanang ito kaya’t unti-unting naakit ang iba pang angkanan, na magbukid
sa pook na ito.
Lumipas ang mga taon, ang lupain ng mga VILLANUEVA ay lumawak ng lumawak
dahil sa kanilang kasipagan at tiyaga, dahil dito, ang pook na ito ay nabansagang VILLA.
Nalagas ang maraming taon sa tangkay ng panahon, ang pook na ito ay patuloy ng dumami
ang mga naninirahan. Kung magkakaroon ng mahalagang pulong, kadalasan ay hindi
nakakadalo ang mga taga malayo dahil ayon sa marami ay hindi nila naririnig ang tambuli
na siyang naghuhudyat na mayroong gaganaping kapulungan, kaya sa isang pulong na
naganap ay napagkasunduan ng mga tao na bahaginin ito sa dalawa, ang dakong ibaba na
malapit sa kabayanan ay tinaguriang VILLA IBABA at ang dakong ilaya ay tinawag na VILLA
ILAYA.